Recent update

Subscribe to RSS feed

Ang Pagkakaisa ng mga Wikang Pilipino

August 17th, 2007 by kurt-jumpman23

Note: Part time writing work nako ni.:)

Simula noong 1997, ipinagdiriwang ng halos lahat ng
paaralan sa buong Pilipinas ang Buwan ng Agosto bilang ang buwan ng Pambansang
Wika. Kung babalik tayo sa ating kasaysayan, si Pangulong Manuel Luis Quezon ng
Pamahalaang Commonwealth Ang nagpasimuno
na dapat magkaroon tayo ng Pambansang Wika kaya siya ang tinawag na Ama ng
Pambansang Wika.

Ang isang pambansang kaluluwa ay hindi maaring
mabuhay sa bayang walang
pambansang
wika
.”

Iyon
ang sinabi ni Pangulong Quezon sa isa sa kanyang mga talumpati. Gusto niya na
tayong mga Pilipino ay magkaroon ng pambansang wika para magkaisa tayo sa mata
ng mga kumukopkop na Amerikano noong panahon ng Commonwealth. Sumusunod lamang
na kung tayo ay magkaisa, magkakaroon tayo ng kakayahan na mamuno sa ating
sarili. Hangad ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo  ng Pamahalaan na ang mga Pilipinong lider na
ang mamumuno sa mg Pilipino, hindi na ang mga Amerikano para makuha natin ang
minimithing kalayaan mula sa dayuhan.

Pagkatapos
ng anim-na-pung taon mula nang namatay si Quezon, tayo ba ay nagkaisa sa
paggamit ng ating Pambansang Wika? Sa ngayon ay hindi pa. Dahil sa
pagkarami-rami at pagkawatak-watak ng mga isla sa ating bansa, umusbong ang iba’t
ibang clase ng mga linghawe at kulturang Filipino. Dito sa Cebu, ang mga Cebuano
ay higit na tumututol na ang Tagalog ang maging pinakadominanteng linghawe ng
ating pambansang wika. Ang kanilang argumento ay mas marami ang mga Pilipino na
nagsasalita ng Bisaya kaysa Tagalog, hindi lang dito sa Visayas pati na rin sa
Mindanao. May mga lingwahe rin na umuusbong dahil sa malakas na pagsuporta ng
mga katutubo katulad ng Ilokano, Hilagaynon o Ilonggo, Waray, Bikolano, Maranaw
at iba pang katutubong lingwahe.

Samakatuwid,
ayon sa Surian ng Pambansang Wika ( National Language Institute ), may maraming
dahilan kung bakit ang wikang Tagalog ang basehan ng ating Pambansang Wikang
Filipino. Una, mas marami ang nakaka-intindi ng Tagalog sa lahat ng rehiyon dito
sa Pilipinas. Pangalawa, hindi ito nahahati sa maliliit at ibang mga lingwahe
kagaya ng Cebuano. Pangatlo, ito ang may pinakamayamang pinanggalingan ng ating
literature. Lahat ng mga libro ay halos nakasulat sa Tagalog. Pang-apat, ito
ang lingwahe sa Manila, ang sentrong pulitikal at ekonomikal n gating bansa. At
panghuli, ito rin ang lingwahe na ginamit ng Rebolsyon at Katipunan, mga
importanteng kaganapan sa ating kasaysayan (http://en.wikipedia.org/wiki/Filipino_language).

Ngayon,
ang punto ko ay hindi dapat ang pahintuin ang pag-usbong ng mga katutubong
lingwahe at kultura at ipilit sa kanila na gamitin ang Tagalog bilang kanilang
pangunahing lingwahe at ipagwalang bahala ang paggamit ng Pambansang Wikang
Filipino. Ang lahat ng kultura ay dapat umusbong. Ang punto ko ay hindi dapat makita
ng mga Pilipino na ang wikang Tagalog at ang mga Tagalog ay mas mataas sa
wikang Cebuano at mga Cebuano, o kahit anong katutubong wika. Walang dapat mas
mataas o mas mababa. Ang punto ko ay habang umuusbong ang iba’t ibang wika,
dapat kasabay nito ang pag-usbong rin ng ating Pambansang Wikang Filipino. Ang
katutubong wika ay hindi dapat kalimutan at ang Pambansang Wika ay hindi dapat kalimutang
pag-aralan.

Halimbawa, ang mga Bisaya ay pilit na
nagtatagalog kapag sila ay nasa Luzon o may kausap na Tagalog. Nakaka-intindi
sila ng Tagalog pero hindi nila alam kung paano ito ilabas sa kanilang bibig. Samantalang
ang mga Tagalog ay hindi nakaka-intindi ng Bisaya agad, pero makaka-intindi rin
sila kung nakasanayan na. At kung papalarin na kung tayo ay magiging nurse na
sa ibang bansa, kung tayo ay may makitang isang Pilipino, siguradong ang wikang
Tagalog an gating gagamitin.

Gaya
ng sinabi ko, tayong mga Filipino ay hindi pa lubos na nagka-isa sa paggamit ng
ating pambansang wika. Ang nangyari sa ating kasaysayan ay hindi balakid para
tayo ay magkaisa. Ang Wikang Tagalog ay hindi ang Wikang Pambansa. Ang Wikang
Filipino ang ating Wikang Pambansa. Makakamit nating ang Wikang Filipino kapag
mawawala na ang pagka ‘regionalistic’ ng mga Filipino at kung ang mga
Pilipinong Tagalog at di- Tagalog ay matutong mapahalagahan ang katutubong
wika. Kung kinakailangan, dapat may programa ang ating pamahalaan na ituro ang
paggamit sa katutubong wika sa mga Tagalog, kagaya ng pagturo ng Tagalog sa mga
hindi- Tagalog. Ang pagkakaisang minimithi ng Pilipino sa paggamit ng wika,ay posible
pang mangyari kagaya ng pagkakaisa na ating nadarama tuwing si Manny Pacquiao
ay lumalaban sa Boxing.

Posted in nationalism | tagged , , | | 4 Comments

  • frustrations,expectations, idolizations

  •